"Ganito nalang Clyde, kukunin ko itong ibinigay mo. Pero pwede bang ito na ang huli?" Sabi ko pa.
Napansin ko naman ang paglungkot ng mga mata niya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang mga ibinigay ko sa iyo Ma'am?"
Sandali akong nalito sa tanong niya, una ay ayoko pa din namang masamain ang pagmamagandang loob niya. "Ahh ehh hindi naman sa ganon. Kaya lang ay alam na alam mo namang may asawa na ako at hindi yon maganda syempre. Lalo pa at malalaman niyang may lalakeng nagpapadala sa akin ng ganito diba?"Pangangatwiran ko pa.
"Sa tingin mo ba ay maaagaw na kita sa asawa mo ng dahil lang sa mga prutas na yan Ma'am?" Muling tanong niya.
"Syempre hindi noh!" Mabilis na tugon ko.
"Edi wala naman palang problema, kung ganon." sabi pa niya.
Napailing ako...
"Pero hindi kaba naaawa sa Lola mo na dapat ititinda nalang niya at ipinamimigay mo pa sa babaeng may asawa na at hindi mo naman maagaw ng dahil lang diyan?"
Napatitig naman siya sa akin.
"Si Lola pa nga ang namimili niyan
Ma'am. At ang sabi pa nga niya ay dapat ang pinaka best ang lagi kong ibibigay sa iyo." Muli ay kampanteng rugon niya.
"Huh? Totoo ba yan huh?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kasi nga ay lagi kita naibibida sa kanya Ma'am. Kung ayaw mong maniwala ay dadalin ko dito si Lola para siya mismo ang magsabi sa iyo na totoo ang sinasabi ko."
I sighed...
"Hindi na Clyde, mas pipiliin kong maniwala nalang diba? Kesa naman abalahin mo pa ang Lola mo para lang sa ganito."
Sumigla naman ang mukha niya sa sinabi ko, bagamat kinabahan naman ako ng sobra para rito. Tama nga ba yung sagot ko? Dahil dito ay parang binigyan ko siya ng pagkakataon na ipagpatuloy niya ang ginagawa niya?
Lalo pa't ngayon ay naaalala ko na siya. Na siya yung batang lalake dati na parating nakatayo sa labas ng hardware sa tuwing nandoon ako.
Siya din yung palagi kong sinasabi kay Hendrix na parang halos stalker ko na dahil sa tuwing lalabas ako ay palagi kong nakikitang nakasunod sa akin.
Subalit ngayon ay malaki na siya. Na tila kay bilis ng panahon at kay bilis niyang lumaki mula sa isang batang lalake lang dati.
At dapat nga bang mas matakot na ako sa kanya ngayon?
Dahil ano nga ba ang assurance ko na totoo lahat ang sinasabi niya? Paano kung may masama siyang balak at ngayon nga ay mas nakalapit na siya sa akin kumpara naman sa dati na susunod sunod lang siya.
"Kung ganon ay papasok nako Clyde. Salamat pala dito sa dala mo." Sabi ko pa habang akma na akong papasok upang tuluyan ng makaiwas sa kanya.
"Sige po Ma'am, salamat din dahil muli ay napasaya mo ako. At papasok ako mamaya sa school na sobrang inspired." Pagmamalaki pa niya.
Muli naman akong napahinto. "Saan ka nga ulit nag aaral?" Na curious naman na tanong ko.
"Ahh diyan lang Ma'am sa Public School. Senior High na ako at graduating na din. Kaya naman salamat Ma'am dahil sa iyo ay nagkaroon ako ng inspiration. At ngayon ay ga graduate na ako bilang Valedictorian." Pagmamalaki pa niya.
At tama, nauna ang private school na magbakasyon, kumpara naman sa public school. Kaya naman almost one week ng nasa Makati sila Amina para mag spend ng vacation, habang ang iba ay pumapasok pa at nag-aaral pa din.
Bagay na hindi ko alam, pero pinaniwalaan ko talaga. Dahil nakikita ko naman sa mga mata niya na totoo lahat ng sinasabi niya. At marahil ay sadyang nag iingat lang ako.
Dahil na din sa mga pinag daanan ko. At habang nasa harapan ko siya ay tila ibinabalik naman niya ang isang batang Hendrix na sobrang positibo at ang isang Kenji na handang gawin ang lahat para babaeng gusto niya.
At tama, tila naghalo sa kanya ang dalawang katauhan ng lalakeng naging bahagi naman talaga ng buhay ko. Na tila ba sinadya ng tadhana na pagsamahin sa kanya ang dalawang katauhan na hindi ko na kailangan pang pumili.
Ngunit hindi naman na pwede. Isa pa ay tuwing iisipin ko si Hendrix ay walang kahit sinong makakapantay dito. At maging sa puso at isip ko. Dahil gusto kong tumanda na siya at ang mga Anak ko lang.
Tanging sila na lang, at wala ng kahit sino ang maaring gumulo pa sa amin.
Dahil minsan na akong nagkamali at ayoko ng maulit pa ito...
"Then congratulations sa iyo. At masaya akong naging bahagi ako kung ano ang narating mo. Kaya naman sa College ay gusto kong mas pagbutihin mo pa." Sabi ko pa.
Nawala naman ang saya sa gwapo niyang mukha.
"Sana nga Ma'am. Pero gustuhin man namin ni Lola ay hindi na talaga kakayanin pa. Dahil matanda na siya at wala na din naman makakatuwang pa sa pagtitinda niya. Kaya naman kesa ipilit kong mag aral pa sa college ay gusto kong samahan muna siya at tulungan din naman sa pagtitinda niya."
Bahagya naman akong napatitig sa kanya at kasabay ng paghinga ng malalim.
Aaminin kong nalungkot ako para sa kanya. At may kung anong kurot ng awa ang agad na namayani sa aking isip.
"Sayang naman kung ang isang gaya mo ang hindi makapag college. Or pwede ko bang sabihin na hindi ka ba natatakot para sa future mo? Wala ka bang pangarap na maiahon man lang ang Lola mo?" Sabi ko pa.
"Ayoko munang isipin yan Ma'am. Sa ngayon ay masaya na akong nakakausap kita. Na masaya na akong malayo na sa dati na tinitingnan lang kita mula sa malayo."
Napailing ako.
"Huwag mong hayaan ang nararamdaman mong kagaya niyan. Dahil ayokong isipin na isa ako sa maging failure mo Clyde. Dahil sa dami ng malulungkot at mahirap na pinag daanan ko ay hindi ko na muling hahayaang masira muli kung anong saya ang tinatamasa ko ngayon ok." Tinapik ko pa siya sa kanyang balikat, at lakas loob ng tumalikod upang tuluyan na siyang iwan at pumasok nadin sa bahay.
"Wait lang Ma'am, isa nalang at hahayaan na kitang pumasok..."
"Huh?"
Napakunot ang aking noo, dahil sa isang puting papel na ngayon ay iniaabot niya sa akin.
"Ano ito?" Agad namang tanong ko, matapos ko ngang kunin ito mula sa kanya.
"Commencement Ceremony Invitation yan Ma'am. Dalawa lang kasi ang pwede kong bigyan niyan. Ikaw at si Lola lang. Kaya naman sana ay makarating ka, dahil kasama ka sa Honorary Speech ko." Pagmamalaki pa niya, bagay na nagpabigla talaga ng sobra sa akin.
"Ako talaga?... Teka paano naman akong nasama diyan? At ano naman ang naiambag ko sa pag aaral mo para maisama mo ako sa speech mo."
Kampante naman siyang namulsa at at bahagya pa ngang ngumiti sa akin.
"Malaki ang contribution mo, dahil ikaw ang kaisa isang nag motivate sa akin para magsumikap ng husto. Dahil ito lang naman ang maari kong maipagmalaki sa iyo. Habang ang lahat ay wala naman talaga ako." Sabi pa niya.
Nagbungtong hininga ako at napailing ng sobra, "Sorry pero...."
"Hepp... Hindi naman required na sumagot ka agad Ma'am. Sa isang buwan pa yan, kaya naman huwag mo munang patayin ang pag-asa ko please." Sabi pa niya habang tila nakikiusap ang mga mata niya.
Muli naman akong nalito, subalit kailangan ko pa bang hintayin ang isang buwan samantalang alam na alam ko naman na ang magiging sagot ko sa kanya?
At ito ay hindi talaga... Dahil ano nalang ang sasabihin ni Hendrix kung malalaman niya ang bagay na ito. Lalo pa at nandito na siya during that time.
"Aalis na ako Ma'am, at aasang makakarating ka." Sabi pa niya tsaka naman mabilis ng tumalikod sa akin.
"Ayokong paasahin ka sa wala Clyde.At makisabi na din sa Lola mo na salamat at sana ay ito na din ang huling matatanggap kong prutas mula sa inyo..." matatag na sabi ko.
Sandali naman siyang napahinto... Subalit hindi na lumingon pa.
"Ayokong mangako Ma'am na ito na ang huli. Ngunit sa sandaling sundin kita ay ituturing ko na ding great failure ko ito habang buhay." Sabi pa niya.
Napayuko ako at nakaramdam ng awa para sa kanya.
"Pilitin mong makapag college Clyde. Dahil ito ang magpapabago sa buhay na meron ka ngayon..."
Sabi ko pa tsaka naman ako mabilis na lumakad at pumasok na sa gate... Kasabay ng pagsandal ko sa likuran nito at muling napahinga ng malalim.